Ituring ang iyong sariling
Tagahawi ng ulap
Sa kalangitang kulimlim
Kampanang yayanig
Sa bawat nilalang
Magigising ang lupang
Kulang sa dilig…
~*~
Tila yata nabanlian ang mga araw ng walang-hanggan
Yumayanig pa rin sa mga pilat na sugat ng nakaraan
Galit na para bang umaarangkada ng walang humpay
Nilait na alindog, laging sinusubok ang sarling tibay
Ng dumadausdos na bagyo, uubusin pa ng kalangitan
Ang malakas na ulan, ibubuhos ang lahat kahit kulang
Para durugin ang konkreto ng kanilang nakausling mga buto
Ngunit hindi papalagpasin, nakabilanggo sa bawat minutong
Aawatin at aawitin, halina’t pakinggan ang boses na walang aruga
At ano pa kaya ang mga pagkukulang na hindi sinasadya
Ngunit ang maantak na balat kung saan ang kalumbayan nakatampok
Ay umiwas sa huni ng dapithapon, at nagdurusa pa sa munting usok.
—
It was as if the days were scalded by forevermore
Still trembling from all the scarred wounds of the past
A fury that seems to plummet on without ever ceasing
Vilified captivation, constantly testing one’s strength
By the cascading storm, now emptying the skylines
Of torrential rain, deluging all to give despite the lack
Just to shatter the concrete from their protruding bones
Yet never squandered, and incarcerated by every minute
Restraining and singing, come listen to the voices without sympathy
For what other shortcomings might have been unintentional
Though the tenderest flesh where every sorrow is exposed
Has avoided the humming of twilight, and is tormented by mere smoke.
~*~
Ikaw ang liwanag sa dilim
At sa paghamon mo
Sa agos ng ating kasaysayan
Uukit ka ng bagong daan…